Another Mean Show On TV

Some highschool friends who migrated to the US emailed us about a new show airing in the US...

In this new reality show, the best singers are sent home while the gang of hopefuls (those with more guts than talent) remain and compete for the the New TV Singing Senstaion title. Weird, eh?

And to my surprise, our very own LA LOPEZ was one of the hopefuls! He actually audtioned, perhaps seriously affected by the Filipinos' lack of support in his singing career. Sadly he didn't make it to the final 12, thus confirming that he somehow has talent which we just can't seem to appreciate.


Decisions, decisions.

I'm not pretty sure if I'm making the right decision. But on Monday, I'm getting my transcript of records from UP, good moral character, and honorable dismissal as well. Yes, I'm transferring to another school with another course --nursing. But when I think of the things and of the people that I'd be leaving, bumibigat ang loob ko. Seryoso.

Basta, bakit ang gulo ng isip ko. Hindi ako makapag-decide. Parang ngayon, inuuna ko yung emosyon. Tsk tsk. Pero kung tutuusin, pinaka-pangarap ko talaga ang pagiging doktor. Kaya lang nabe-brain wash na ako ng mga taong nakakasalamuha ko. Parang lahat sila dini-discourage ako. Hindi na daw praktikal ang pagme-med. Bakit pa daw ako magpapakahirap dito. Paglumipat daw ako, hindi na ako masyadong magpupuyat sa pag-aaral. Hindi ko na daw iiyakan ang Chem. Hindi na daw ako stressed-out sa polusyon ng Faura. Hindi na daw ako mai-irita sa dami ng tao sa MRT at LRT. In short, mas dadali ang buhay ko.

Isa pa, pwede naman daw mag-nursing at magtrabaho sa Amerika at kumita ng dolyar. Hindi daw ako magsisisi doon. Kasi wala pa daw nurse na nagsisi. Ewan, ang gulo. Pag-nandun na daw ako, kaya ko nga bilhin yung dream house ko...yung may swimming pool. Wow. Pati yung dream car. Wow. Napaka-materialistic ng reasons.

Kaya eto ako ngayon, medyo nabubulag sa kung ano ba talaga ang dapat kong sundin. Iniyakan ko nga ulit ito kanina eh, habang nasa party ako ng pinsan ko. O diba. Pinaandar ko na naman ang pagiging emosyonal. Pero hindi ko kasi napigilan yung luha ko, lalo na nung sinabihan ako ng tita ko ng, "Wag ka munang susuko." Kasi ngayon pa lang inaamin ko sumusuko na ako eh...kaya nga mabilis akong nakapag-desisyon na aalis na ako ng UP.

Hay. Meron pa akong buong araw ng Sunday para mag-decide. Ipag-pray niyo ako please.