Konting Tiis Na Lang
Hay salamat. Mababawasan na ng konti ang mga problema ko. Sa loob ng apat na araw, pahinga na ulit ako mula kay Chang. Wala nang Chem 18. Wala na rin Comm3. Pagdating ng Martes, "malaya" na ulit kami. Ang saya sigurong mabuhay ulit ng normal, no?
Hmmm...audition!
Kahapon pala nasa abs-cbn kami nila ron, mika, mathet, adel, nikki, rj, wy-nona, and karla. ininterview namin si maoui david, yung blue-tailed mermaid sa marina. astig ang bait niya. hindi suplada, pramis. pinasundo niya kami sa audience entrance, tapos pinapunta niya kami sa dressing room niya. kinuwentuhan niya kami ng buhay niya, kung pano siya naging artista, kung ano yung dream role niya, kung bakit niya gusto si Hero, kung bakit kulay blue yung kaliskis niya, atbp. sobrang naaliw ako. ayan tuloy, parang gusto ko nang tanggapin yung offer sakin ng abs-cbn. hehehe..biro lang. walang offer. pangarap ko lang yun.
pero in fairness, sadyang marami pala ang may "pangarap" na ganito. sa audience entrance pa lang, medyo madami nang nakapila for auditions. marami sila dun na bihis na bihis...nagsisi-kapalan ang make-up, malalaking mga hikaw, mga buhok na pina-relax or pina-rebond, at hindi mawawala sa get-up nila: mga damit na sobrang revealing. eeeeewwww. bakit kaya ang hilig-hilig nilang magtipid ng tela? hay, sa totoo lang (sorry sa mga tatamaan) para silang papunta sa japan. hehehe.
pakiramdam ko nga dinadaan lang talaga nung iba sa LAKAS NG LOOB ang pag-audition e. marami kasi sa kanila (based on previous stories) wala namang talent or star quality. FIGTHING SPIRIT lang talaga. dahil sa matinding kagustuhan na lumabas yung mukha sa tv, lahat gagawin nila para lang matanggap ng abs-cbn. in a way, nakakabilib din. mahirap naman talaga kasing humarap sa tao nang wala kang "ibubuga", diba?
kaya personally, saludo na ako sa lahat ng nag-aattempt at nag-attempt nang mag-audition. sana tulad din ng sa kanila ang confidence level ko. =)