Buhay Mayaman
Ang sarap palang maging mayaman kahit isang araw no? Walang problemang iniisip, aatupagin mo lang ang pagre-relax, pagpapaganda, pagkain, pagtawa, basta, mga bagay na hindi kelangan ng masyadong effort.
Kahapon kasi, nasa Rockwell na naman kami. Siyempre, tulad ng dati, nandun kami para lumangoy ng lumangoy. Grabe. Pakiramdam ko nga sobrang maskulado na ko. Hay. Ang laki na ng braso ko. Pwede na kong maging Amazona. Pero hindi iyon ang kuwento ko.
Ayun nga, nasa mala-hotel na Rockwell kami. Aba...ang mga tao dun, walang ibang ginagawa kundi mag-sun-bathing, umupo, kumain, mag-swimming, mag-gym, bonding sa barkada, at mag-spa. Puro sarap ng buhay.
Nakaka-inggit diba? Hehe. At dahil nandun na rin naman kami, at LIBRE pa, sinubukan rin namin ang gumamit ng sauna. Jologs mang pakinggan, pero kahapon lang talaga ako nakapasok sa mala-oven na kuwarto ng sauna. Siyempre, dahil first time ko, namangha ako ng husto. Jologs talaga. Pero di bale, nawalan naman ako ng 3 lbs. dahil pinagpawisan ako sa init.
Paglabas ng women's spa, dumerecho naman kami sa gym, pero hindi para maglaro. Wala lang. Naghahanap lang ng alam-mo-na. Pero laking gulat ko na may mga bintana pala yung ilalim ng pool na pinag-lalanguyan namin. Ibig sabihin, nakikita ng mga nag-g-gym yung mga stunts namin sa ilalim ng tubig! Astig! Parang aquarium!
Teka, wala na yatang patutunguhan ang entry na 'to. Magpa-plug na lang ako ng show:

VIERA TV launching by Panasonic
October 27
time: di ko sigurado
Rockwell
Special Performance:
Synchronized Swimming Team (kami yon!)
PS: I will just be posting pictures for you to see after Wednesday.