Balik-Lungga

Sa wakas may bagong entry na naman ako. Siyempre, mga bagong kuwento tungkol sa mga araw na nagdaan. At para mapadali ang lahat, magbibigay na lang ako ng recap:

1. Marunonong na ulit akong mag-puyat. Dahil sagana sa exams ang mga nakaraang araw, umaabot na ako ng 3am bago matulog!

2. May inampon kaming dalawang Koreano. Pero umalis na sila. Wala lang.

3. Nagmistulang bodega na ang kuwarto namin ngayon dahil sa sobrang kalat. Ang masama pa dun, puro gamit ko ang nakatambak.

4. Umatend ako ng kasal dalawang linggo ng nakakaraan. Dahil sa probinsya naman iyon, sinabi ng nanay ko mag-casual attire na lang ako: pantalon at t-shirt. Aba, aba! Pagdating sa simbahan, Silver Wedding Anniversary pala iyon ng police chief ng Laguna! At bigatin ang mga bisita: mga heneral at kung sinu-sino pang nagsisitaasang opisyal ng gobyerno! Dahil sa sobrang hiya ko, doon ako sa gilid ng simbahan pumuwesto, kasama ng mga nanghihingi ng limos. Hehehe.

5. Muntik na akong masaksak ni Syaza nung nag-field trip kami sa Los Banos. Bigla kasing lumusot sa butas ng bag niya yung kutsilyong dala niya...habang ako'y nakaupo at siya'y nakatayo. Buti hindi ako tinamaan. Edi sana...

6. Speaking of Syaza, birthday niya ngayon. HAPPY 18th BIRTHDAY!

7. Parang gusto kong sumali sa Dance Idol ng ABS-CBN. Kaya lang mahiyain ako eh.

8. WILLPOWER lang talaga ang mabisang panlaban ng antok ko. Walang epekto ang kape, mas nakakatulog ako. Ang coke naman, sobrang acidic. At lalong hindi rin naman uubra ang mani, dahil ito'y nakakapag-tae. WILLPOWER lang talaga.

9. Mula ngayon, pwede na rin akong tawaging Santa Pepita. Ang kyut diba? Salamat kay Ron sa kanyang matagal nang ideya.