March 17, 2006

Hala, Sige!

Hindi na ako nagtataka kung bakit 90% ng mga Kano ay obese. Sa nakikita ko ngayon, e talaga naman palang katakot-takot sila kung kumain! Lumamon, kung tutuusin. Madalas sa pinagttrabahuhan ko, large combo ang ino-order nila. At pag sinabing large, tinalo pa ang Go Bigtime ng McDo at Jollibee—dahil ang large drink dito, sinlaki na ng 1.5 litrong bote ng Coke. Nakakalunod! Pero may mga taong sadyang hindi naku-kuntento, at kadalasan ay naghahanap pa ng Extra Large!

Minsan, imbes na matuwa ako dahil sila ang bumubuhay sa mga fastfood chains, hindi ko mapigilan ang maawa sa kanilang kalagayan. Sila kasi yung mga taong minsan lang makatikim ng tunay na pagkain. Dahil masyado silang abala sa pagttrabaho, wala na silang panahon na magluto. Ayan tuloy, puro sila burger, fries, hashbrown, at kung anu-ano pang produktong fastfood na ibinabad sa mantika. Sino ba naman ang hindi lolobo sa cholesterol?

Pero sabi nga nila, nandyan naman ang lipo.

Hala, sige! Ipahigop ang taba!