May 19, 2006
Sa wakas tapos na rin ang sem na ito. Pero sa buong buhay ko sa kolehiyo, ito talaga ang pinaka-naiiba sa lahat. Una, napakadali ng pag-aaral (yung finals namin kanina parang quiz lang). Pangalawa, ako yata ang pinakabata sa lahat ng klaseng napasukan ko. Halos lahat ng mga kaklase ko may mga asawa't anak at apo na. Pangatlo, wala akong masyadong nakilalang mga bagong kaibigan, puwera dun sa isang Pilipinong kaklase ko sa English. Ganun na ba kahina ang social skills ko? Pero di bale na, babawi na lang ako ulit sa susunod na pasukan.