June 1, 2006
Gunting at Apoy
Pwede na siguro akong magtayo ng Beauty Parlor. Hindi biro.
Kahapon, nanay at tatay ko naman ang napagdiskitahan kong bigyan ng make-over. Dahil nagsasawa na sila sa itsura nila, at ako rin, dahil nagsawa nang makita ang kanilang namumuti at di-maikom na buhok, muli kong inilabas ang aking Beauty Parlor Set na nagmula pa sa Pilipinas at tuluyang pinabata ang aking mga magulang. Tabas dito, tabas doon, kulay dito, kulay doon...hanggang ito ang kinalabasan ng nanay:
Ayos ba? Medyo ilang oras din naming sinikap na makuha ang istilong iyan! Kinabahan pa ako nung umpisa, dahil baka masobrahan ng gupit, pero dahil sa pagtitiwala ng lahat, lumakas din ang loob ko sa paghawak ng gunting. Haay, ang saya!
Kahapon din naman, ipinagdiwang namin ang birthday ng tatay. Kami-kami pa rin ang naghanda, pero ngayon meron na kaming totoong cake. At wala nang nilagang spageti. Hehe.
Pero nagkaron kami ng kaunting sakuna sa kalagitnaan ng pagluluto: biglang nagliyab ang oven habang bine-bake yung manok. Wala namang nasunog at nasugatan, pero dahil sa pagkataranta, agad-agad na lumikas ng bahay si mommy, Mari, at Lolit, kahit na kakapiranggot lang ang apoy sa kusina. Hindi ko tuloy napigilang mapatawa. Sunud-sunuran sila papalabas ng pinto sa pag-aakalang sasabog ang bahay, samantalang isang buhos lang ng tubig, napatay na ni daddy yung apoy! Ay, ang sakit ng tiyan ko pagkatapos nun!
Ito nga pala kaming lahat ulit, pagkatapos ng munting sakuna: